Nobyembre 21, 2019, Labo, Camarines Norte – Isang lalaki ang nagpuslit ng paninda nula sa isang General Merchandise sa Brgy. Kalamunding sa bayan na Labo nitong nakatalikod na araw ng Lunes, Nobyembre 18, 2019.

Kinilala ang suspek na si Elmer Yadao y Reymundo, nasa hustong edad, residente ng Purok 1, Brgy. IV, bayan ng Daet.

Base sa tala ng Labo PNP, dakong 10:15 ng umaga ng akmang palabas ang suspek sa nasabing establisyementong ng mapansin umano ng isang guwardiya ang kahina hinalang kilos nito.

Bunsod nito, kinapkapan umano ito ng guwardiya at nakita dito ang isang power drill na nagkakahalagang Php 1,150.00.

Kukunin dapat ito ng guwardiya subalit itinulak ito ng suspek at mabilis na tumakbo palayo ng tindahan.

Hinabol naman ito at agad ding nahuli subalit hindi na narekober ang ninakaw nitong kagamitan.

Nasa kustodiya na ng Labo PNP ang naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito.

 

Philip John Denzel Rait

Camarines Norte News