Nobyembre 22, 2019, Daet, Camarines Norte – Umarangkada na ang tropa ng Land Transportaion Office (LTO) kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno sa lalawigan ng CamNorte para sa one time – big time joint operations kontra traffic violators na isinasagawa din sa buong bansa ngayong araw.

Ito ay bilang pagtalima sa kauutusan ni President Rodrigo Duterte sa ginanap na Cabinet meeting nitong nakatalikod na Nobyembre 4, 2019 na istriktong ipatupad ang mga batas trapiko upang maiwasan ang mga aksidenteng tulad ng nangyari kamakailan lamang na kumtil sa napakaraming buhay.

Magugunitang kamakailan lamang ay kabi-kabilang aksidente ang naganap sa ilang panig ng bansa bunsod ng overloading at banggaan ng mga sasakyan kasama na ang naganap na banggaan ng UV Express at Pampasaherong Bus sa bahagi ng Pamplona, Camarines Sur na kumitil ng maraming buhay kabilang na ng ilang CamNorteño.

Ilan sa mga pagtutuunan ng pansin sa operasyon ang anti-overloading, tricycles on highways, over speeding kasama na rin ang mga illegal parking at road obstructions.

Makakatuwang ng LTO sa operasyon ang Philippine National Police (PNP)  , PNP – Highway Patrol Group (HPG), Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang law enforcement agencies.

 

Camarines Norte News