Nobyembre 25, 2019, Labo, Camarines Norte Naglaan ang Commission on Higher Education (CHED) ng 9.9 milyon pisong halaga ng pondo para sa mga kolehiyong scholars sa unang distrito ng lalawigan ng Camarines Norte.

Nabatid na umaabot sa 660 na mag aaral sa unang distrito ang makikinabang sa CHED Student Financial Assistance Programs (StuFAPs) sa ilalim ng Tulong Dunong Program para sa 1st Semester AY 2019-2020 na nakamit sa pamamagitan ng masigasig na pakikipag ugnayan ni Congresswoman Josie Baning Tallado sa nasambit na ahensiya.

Kamakailan lamang ay inilabas na ng tanggapan ng CHED Regional Office V ang talaan ng mga estudyante na magiging mga scholars sa ilalim ng nasambit na programa na mula sa ibat ibang paarala o institusyon sa lalawigan kabilang ang mga sumusunod:

1.Camarines Norte State College – 148 students
2. Camarines Norte State College (Abaño Campus) -1 students
3. Camarines Norte State College (Entienza Campus) – 19 students
4. Camarines Norte State College (Jose Panganiban Campus) – 50 students
5. Camarines Norte State College (Labo Campus) – 41 students
6. La Consolacion College (Daet) – 3 students
7. ACLC College of Daet – 9 students
8. Capalonga College Inc. – 18 students
9. Our Lady of Louredes College Foundation – 35 students
10. Mabini Colleges – 95 students
11. Sta Elena (Camarines Norte) College Inc. – 70 students
12. Camarines Norte School of Law, Arts and Sciences – 34 students
13. Other HEIs – 137 students

Ang pondo ay naka-download na sa mga eskwelahan at ang mga scholars nito ay bibigyan ng Notice of Award ang school upang maprocess ang kanilang CHED student financial assistance.

Makakatanggap ang bawat scholar ng nagkakalahagang 7,500 pesos kada semestre o kabuuang 15,000 pesos para sa buong school year.

Ang pagsisikap ng KOngresista ay bilang pagtalima sa mandato nito at hangarin na maabutan ng serbisyo ang mga pamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigayn ng tulong pinansiyal sa mga mag aaral upang makapagtapos ng pag aaral ang mga kabataang miyembro ng pamilya at makakuha ng magandang trabaho upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Camarines Norte News

Dtails and photo courtesy of Roden Rosario

9.9M PISONG HALAGA NG PONDO, INILAGAK NG CHED PARA SA MGA SCHOLARS SA UNANG DISTRITO!