Nobyembre 27, 2019, Daet, Camarines Norte – Timbog ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia sa ikinasang buybust operation ng operatiba sa Purok 7, Barangay Plaridel, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Base sa tala ng Jose Panganiban PNP, dakong 8:30 ng umaga kamakalawa nang madakip ng Jose Panganiban MPS, RID/RSOG sa pakikipagtulungan ng PDEA ROV ang suspek na si Marlon Javier y Indias, 32 anyos, residente ng Purok 6 ng nasambit na barangay,

Naaresto ang suspek matapos magpositibo ang transaksiyon nito sa poseur buyer kung saan nasamsam ang mga sumusunod:

  • Isang sachet na buy bust drug
  • Isang maliit na improvised paper envelope na naglalaman ng sampung (10) sachet ng hinihinalang shabu
  • Isang improvised tooter na naglalaman ng residue ng hinihinalang shabu
  • Isang plastic sachet na naglalaman ng tatlong (3) maliliit pang sachet ng hinihinalang residue ng shabu
  • Isang Php 500.00 bill na ginamit bilang buy bust money

Nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang nadakip na suspek at mga ebidensiya para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na rin ang kaukulang kasong isasampa para sa paglabag sa RA 9165.

 

Camarines Norte News