Disyembre 26, 2019, Paracale, Camarines Norte – Wala ng buhay ng matagpuan sa dalampasigan na sakop ng Brgy. Poblacion, bayan ng Paracale ang katawan ng isang senior citizen kahapon, mismong araw ng Pasko.

Base sa tala ng Paracale Municipal Police Station nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula kay Kapitan Allan Borbe ng nasambit na barangay ukol sa natagpuang bangkay ng biktima sa kanilang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, nakilala ang biktimang si Nenita Suello y Data, 62 anyos, may asawa at residente ng Purok 1 Brgy. Bagumbayan ng parehong bayan.

Hinihinalang nalunod ang ginang sa dagat sa nasambit na lugar.

Samantala patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Paracale PNP ukol sa insidente habang  sasailalim naman ang bangkay ng biktima sa otopsiya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.

 

Camarines Norte News