BUSINESS ONE-STOP-SHOP NG LGU DAET, SINUMULAN NA.

Enero 7, 2020, Daet, Camarines Norte – Muli nang binuksan ng pamahalaang lokal ng Daet, Camarines Norte ang programang Business One-Stop-Shop (BOSS).

Magtatagal ang nasabing programa ng isang buwan na naglalayong mapabilis at mapagaan ang pagpoproseso ng pag renew ng kani-kanilang mga business permit sa pamahalaang lokal.

Sa mismong bungad ng pamahalaang gusali makikita ang mga lamesa ng bawat ahensyang kinakailangan para sa pag-renew ng permit ng negosyo.

Panawagan ni Municipal Treasurer Mr. Rodante Forbes sa mga mag rerenew, siguraduhin na nakakuha na ang mga ito ng barangay clearance upang hindi na maabala at magpabalik-balik pa.

Hanggang sa Enero 20, 2020 lamang maaavail ang nasabing programa at magmumulta na ng 25% ang hindi aabot dito.

Maliban sa mga negosyo, kabilang sa kinakailangang mag renew ay ang prangkisa ng Traysikel. Sa ngayon umaabot sa 2,500 ang bilang ng mga prangkisa sa bayan ng Daet at inaasahan pang madaragdagan ng tatlong daan ngayong taon.

May itinakda lamang din na palugit ang Tricycle Regulatory Board sa mga operators kung hanggang kakilan lamang sila maaaring mag renew. Sakaling hindi umabot, babawiin ang prangkisa nito at ipapaRaffle sa iba.

 

Rodel M. Llovit

Camarines Norte News