MULTI-SERVICES CARAVAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, UMARANGKADA NA PARA NGAYONG TAON!

Enero 9, 2020, Mercedes, Camarines Norte – Nagsimula nang muli kahapon, Enero 8, 2020 ang Multi-Services Caravan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte.

Pinangunahan ito ni Gobernador Edgardo A. Tallado kasama sina Provincial Administrator Alvin Jerome Talado, Governor-Elect Jonah G. Pimentel, Acting Vice Governor Con Con Panotes, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ilang kawani ng kapitolyo na pinamumunuan naman ni Mr. Edgardo Boy Reyes bilang Caravan Director.

Katulad ng mga nakaraang taon, dala pa rin ng Multi-Services Caravan ang iba’t ibang serbisyo katulad ng libreng kosultasyon at gamot para sa mga may karamdaman, vitamis para sa mga buntis, mga bata at matatanda, libreng bunot ng ngipin, libreng reading glass. Sinabi ni Governador Tallado, mas dinagdagan nila ngayong taon ang pinamimigay na mga pagkain katulad ng delata, bigas, asukal, gatas at iba pa.

Sa kanyang mensahe sa bayan ng Vinzons, masayang ibinalita ni Governor Tallado ang pagsisimula ng konstrutksyon ngayong taon ng karugtong ng Cory Aquino Boulevard mula sa bayan ng Talisay dadaan sa bayan ng Vinzons hanggang sa bayan ng Paracale.

Positibo naman ang naging pagtanggap dito ng mga mamamayan ng Vinzons partikular si Mayor Norie Segundo na nagpahayag ng pasasalamat sa gobernador. Ayun sa alkalde, malaking tulong ito sa kanilang ekonomiya at turismo na mag bubukas ng karagdagang pagkakakitaan ng mga mamamayan ng kanilang bayan.

Samantala, ngayon araw naman sa bayan ng Mercedes tumungo ang Multi-Services Caravan partikular sa mga barangay ng San Roque, Brgy 5, 6 at 7.

 

Rodel M. Llovit

Camarines Norte News

Photos by: Roden Rosario of Radyo Pilipinas