100 DAYS COUNTDOWN PARA SA SENTENARYO NG PAGKAKATATAG NG CAMARINES NORTE, SINIMULAN NA! DALAWANG MALALAKING ARTISTA, TAMPOK SA OKASYON!

Enero 7, 2020, Daet, Camarines Norte – Sinimulan na kahapon, Enero 6, 2020 ang pagsisimula ng pagdiriwang ng ika isang daang taon ng pagkakatatag ng Camarines Norte o ang Centennial Anniversary ng lalawigan.

Sa Flag raising ceremony ng mga kawani ng kapitolyo, ipinahayag ni Gobernador Edgardo Tallado ang kanyang pasasalamat sa pagkakataon na sa kanyang panunungkulan natapat ang ika isang daan taon ng lalawigan ng Camarines Norte.

Ipinatawag din nya ang lahat ng mga department heads at chief of offices upang hingin sa mga ito ang dalawang daang porsientong suporta ng mga ito para sa ikatatagumpay ng nasabing pagdiriwang. Nanumpa naman ng suporta ang nasabing mga kawani at opisyal.

Sa mensahe ni Tallado, nag balik-tanaw ito ng taong 2019 na punong puno rin ng tagumpay para sa lalawigan. Kabilang dito ang pagkakapanalo nyang muli bilang gobernador ng lalawigan kasabay ng kanyang maybahay na si 1st District Representative Cong. Josie Baning Tallado.

Hindi rin anya malilimutan ang mga bagyong dumaan na umiwas sa ating lalawigan na malaking ipinagpapasalamat nya sa Diyos.

Tumanggap din ng Hall of Fame award ng Seal of Good Local Government o SGLG ang Pamahalaang Panlalawigan ng taong 2019.

Ngayong taon ng Sentinaryo, natapat din ang pag ho-host ng Camarines Norte sa palarong Bicol kung kaya’t inaasahan din ang pagdagsa ng turista sa lalawigan.

Si Ginoong Bong Palma na tumatayong Provincial Tourism Officer ang itinalaga ni Gob Tallado na mamahala sa lahat ng mga aktibidad para sa naturang okasyon.

Posibleng maging panauhin sa nasabing anibersaryo ng Camarines Norte ang tanyag na artista ngayon na si Coco Martin ng Ang Probinsyano at ang sikat na mangangawit na si Sarah Geronimo.

 

Rodel M. Llovit

Camarines Norte News

Photos by: Luigi Querubin and Romil Del Moro