February 10, 2020, Paracale Camarines Norte – Bumagsak na sa kamay ng mga otoridad ang isang lalaki na isa sa Top 10 na nasa listahan ng mga pulisya sa pagbebenta ng mga pinagbabawal na droga. Nahuli ang suspek sa isigawang buy-bust operation kagabi, February 9, 2020 sa Purok Yakal-B, Barangay Poblacion Norte sa Bayan ng Paracale.

 

Base sa tala ng Paracale MPS, dakong alas nuebe ng gabi (9pm) ng madakip ng Paracale PNP sa pakikipagtulungan ng RPDEU 5, PIB Cam Norte at 2nd CNPMFC sa koordinasyon ng PDEA ROV ang suspek na si Ricky Cabate Era “AKA Obong”, 51 years old at residente sa nasabing lugar.

 

Naaresto ang suspek matapos magpositibo ang transaksiyon nito sa poseur buyer kung saan nasamsam ang apat na piraso ng small heat sealed transparent plastic sachets na pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng nasa mahigit 12,500php. Kasama din sa nasamsam ang 500 peso bill at boodle money na nasa 2,500 pesos.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Paracale MPS ang nasabing suspek pati na rin ang mga nakumpiskang gamit habang ipineprepara na ang kasong isasampa dito.

 

Camarines Norte News,