February 10. 2020, Daet, Camarines Norte – Umaga na ng matagpuan ng mga residente sa lugar, ang katawan ng isang babae na nakahandusay at wala nang buhay sa gilid ng danawan (rice field) kasama ang motor nito sa P-5, Maharlika Highway sa Barangay Lag-on, Daet Camarines Norte.

Base sa tala ng Daet MPS, bandang alas 8 kaninang umaga February 10, 2020, ng pumunta sa tanggapan (Police Station) ang Punong Barangay ng nasabing lugar na si Sarion, upang ipagbigay alam ang katawan na nakita nila sa tabi ng palayan. Kinilala ang biktima na si Angelica Sorio, 28 years old residente ng P-7, Brgy. Lag-On ng nasabing bayan.

 

Sa ngayon ay nagsasagawa pa rin ng pag iimbestiga ang mga kapulisan sa pangyayaring ito kung saan isa sa mga tinitingnang anggulo nito ay self-accident.

 

Camarines Norte News,