February 11, 2020, Vinzons, Camarines Norte – May hiwa sa leeg at puro sugat sa ibat-ibang parte ng katawan ng makita ng mga residente sa lugar, ang katawan ng isang lalaki na wala nang buhay sa loob ng isang kubo sa Brgy. Agut-it Vinzons, Camarines Norte, hapon nitong sabado, February 8 taong kasalukuyan.

 

Base sa tala ng Vinzons MPS, nakatanggap ng tawag ng oras na iyon ang mga otoridad mula sa Kapitan ng barangay na si Roe Villanueva ng Barangay Agut-it Vinzons, na meron silang natagpuang bangkay ng isang lalaki na nasa isang kubo sa kanilang lugar. Agaran naman rumesponde ang mga kapulisan.  Ayon sa kapitan ito’y kanilang pinaniniwalaan na pinaslang base sa mga nakita nilang sugat sa ibat ibang parte ng katawan at hiwa sa leeg ng biktima.

 

Kinilala nila ang biktima na si Nelson Oco Villaflores na residente rin sa lugar na iyon.

 

Sa ngayon ay nagsasagawa pa rin ng malaliman na imbestigasyon ang mga pulisya ng Vinzons at kasalukuyang nakikipag ugnayan din sa SOCO ang Camarines Norte Crime Laboratory Office para sa mabilisang pagresolba sa naturang pagpatay.

 

Camarines Norte News,