February 11, 2020, Daet, Camarines Norte – Nagpalabas ng memorandum Circular No.2020′- 023 ang tanggapan ng DILG kaugnay sa babala ukol sa 2019 Novel Corona virus o NCOV , kasabay nito ang pag deklara ng Blue Alert Status ng Regional Risk  Reduction and Management  Council na nag aatas sa mga Local Govt Unit na mag organisa ng isang Health cluster against NCOV.

 

Sa panayam kay Ms. Joan Dela Fuente, Municipal  Information Officer ng Daet , kaniyang sinabi na ang pamunuan ni Mayor Benito “B2K”  Ochoa ay bumuo na ng Health Cluster, sa pangunguna ni Dr. Laurene Tejada Municipal Health Officer, katuwang ang PNP, MSWDO, epidemiologist, at maging ang MDRRMO at iba pa para sa NCOV Monitoring.

 

Layunin ng pagbuo ng health cluster na maging handa ang kumunidad particular ang mga nasa barangay level at bilang tugon sa kaatasan mula sa DILG.

 

Bahagi ng monitoring ang paglalaan din ng Desk Assistance at iba pang sanitary related materials.

 

By: Juvie M.

Camarines Norte News,