Nasa 151 na inmates at 30 personahe at mga intern ang makakatanggap ng Special Multi-Services Caravan na hatid ng ating Governor Egay Tallado at Congresswoman Josie Baning Tallado na kasalukuyang isinasagawa ngayong araw sa Labo District Jail.

 

Ayon kay Representative Edzel Rodriguez, Kung maaalala, ang Multi-Services Caravan ay ginaganap sa bawat barangay sa lalawigan ng Camarines Norte. Ngunit ngayong araw ay mga kapatid naman natin na nasa kulungan ang nais paabutan ng tulong ng ating Gobernador.

Sinabi rin ni Rodriguez na kompleto ang mga serbisyo na ibibigay ng Special Caravan sa mga inmates ng labo district jail. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Dental Services
  • Medical Services
  • Hot oil
  • Hair Cutting
  • Reading Glasses
  • Tsinelas
  • Hygiene Kit
  • At iba pa

Dagdag pa dito ay ibinilin rin ni Gov. Egay na lahat ng gamot o vitamins na sosobra sa Special Caravan ay iwanan na upang magamit at mapakinabangan pa.

Ginagawa ang ganitong klase ng aktibidad upang mabigyan din ng atensyon ang mga inmates, kagaya ng mga ibinibigay din sa ating mga kabarangay. Sapagkat ipinapakita ng ating Gobyerno na may puwang para sa pagbabago ang ating mga kapatid na nasa district jail.

 

Camarines Norte News,