Dahil sa kaatasan ni Sec. Briones ng Department  of Education kaugnay sa kaso ng 2019 ncov sa bansa, pansamantalang ipinagpaliban muna ang ilang mga aktibidades na may kaugnayan sa ilang school program sa labas ng paaralan, gaya ng mga sports  activities.

 

Isa na rito ang Palarong Bicol na gaganapin dito sa lalawigan ng Camarines Norte. Nauna nang nagpalabas ng orihinal na petsa ng pagsasagawa ay itinakda Pebrero 27 pagdating ng mga delegado mula sa ibat ibang probinsya sa bicol at ang mismong events ay mula March 1 hanggang march 6, subalit dahil sa sitwasyon ukol sa corona virus ito ay na ipinagpaliban.

 

Pagkatapos ng mga pagpupulong muling nagpalabas ng panibagong petsa ng pagsasagawa ang tanggapan ng DepEd Regional Office sa pangunguna ni Regional Dir. Gilbert D. Sadsad . Ang bagong schedule ay gagawin sa March 21- 29 . Pormal na opening ng mga events bilang pagbubukas ay sa Marso 24.

Inaasahang matutuloy na ang nabanggit na palaro, matapos na ito ay ikansela.

 

By: Juvie M.