Patay ang isa sa tatlo katao matapos bumangga ang sinasakyang motorbike sa isang kalabaw na nasa gitna ng highway alas onse kuwarenta y singko kagabi sa Mercedes Road Purok Ubas, Daet, Camarines Norte.

 

Nakilala ang nasawi na si Reymond Niegos y Ramrez, 27 taong gulang may asawa at residente ng lakan st. bgy 8, sa bayan ng daet.

 

Nabatid na mabilis na binabaybay ng naturang motorsiklo na may plakang 5053EG ang naturang daan na sa kadiliman ng gabi ay bumulaga ang isang kalabaw sa kanilang daraanan at sumalpok sila dito.

 

Sugatan naman ang mga angkas nito na kinilalang sina Ryan Torcelino y Abueg, 33 taong gulang residente ng Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte at Julius Noe Corpuz y CaƱiso residente naman ng Brgy 8, sa bayan ng Daet.

 

Agad na rumesponde ang mga taga Municipal Disaster Risk Reduction Management ng Daet subalit di na umabot ng buhay sa Ospital si Niegos.

 

Babala sa mga motorista mag hinay hinay sa pagmamaneho lalo kung ang daan ay madilim at walang ilaw ang mga poste ng kuryente.

 

ORLANDO ENCINARES,

Camarines Norte News,