February 13, 2020, Daet, Camarines Norte – Sa programa ng” B2k” sa radio naging panauhin si Gng. Edna Aguila , Municipal Agriculturist ng bayan ng Daet.  Tinalakay nya ang ukol sa Native Swine Production kaugnay eksistidong Municipal Nursery o Techno Demo Farm na matatagpuan sa Brgy. Camambugan.

Ang native Swine Dispersal ay maaaring ma Avail ng lahat ng mga taga Daet sa pagtitiyak na marunong lang mag alaga.

Layunin ng pagbibigay ng libreng Native Swine Dispersal ay upang matulungan ang ilang magsasaka para magsilbing dagdag sa kanilang kabuhayan. Ang native swine (kulay itim na baboy) ay di gaanong nangangailangan ng mga feeds gaya ng ibang baboy kayat makakatipid sa pagpapakain nito.

Dagdag pa ni Gng. Edna Aguila ang  sinumang nagnanais mag alaga maaari silang pumunta sa tanggapan ng Agriculture Office para sa ilan pang detalye.

 

Camarines Norte News,