Daet, Camarines Norte – Bukas at kasalukuyan pa ring tumatanggap ang Special Program for the Employment of Students (SPES) ng mga aplikanteng estudyante na nasa edad 16 hanggang 25 na nais magkaroon ng trabaho at karagdagang kita ngayong darating na bakasyon.

 

Magtatanggap pa ang SPES ng mga aplikante hanggang sa February 21, 2020 at pagkatapos ay isasailalim sila sa screening at interview para sa Pre-qualiafying Exam na gaganapin naman sa March 21, 2020.

 

Matapos ang Qualifying Exam, kinakailangan naman na maibigay ng mga nakapasang estudyante ang hinihinging requirements hanggang April 6 at magsisimula naman ang orientation sa April 17 upang makapagsimula na sila sa kanilang trabaho sa April 20 hanggang May 25, 2020.

 

Camarines Norte News,