Isang panibagong panukalang batas muli ang masusing pinag aralan, isinumete at isinulong sa kongreso para sa pangangalaga sa mga bata ni Rep. Josie Baning Tallado ng unang distrito kahapon February 18 taong kasalukuyan.

 

Ang panukalang batas na ito ay nagtatalaga upang madagdagan ang pondo para sa Early Childhood Care Development Council para sila ay makapagpatayo ng mas marami pang pasilidad at kagamitan para sa pagtuturo sa mga bata na may taong gulang na 0-4 years old.

 

Ikinasa ang batas na ito upang mas maging maganda, maayos at kompleto sa mga kagamitan ang mga batang gagamit nito lalo na at ito’y mga daycare pa lamang. Kung sakaling ma- aprubahan ito ay nais ng Congresswoman na magkaroon ng mga bagong pasilidad ang bawat bayan ng Unang Distrito.

 

Camarines Norte News,