Sa isinagawang Public hearing & consultation on minimum wage adjustments for private sectors noong Pebrero  18 , 2020 na pinangunahan ni DOLE Regional Director Joel Gonzales at Chairperson ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB, kasama si Gng. Agnes May “Boots” Alta ng National Economic Development Authority NEDA,  kasama sina Let Forrunato Legal officer ng RTWPB  , Cynthia Olaguer DTI provincial  director Cam.Norte at Ms. Jane Rolda of DOLE provincial office.

 

Tinatatayang aabot sa isang daan at limampu ang mg dumalo sa panig ng mga manggagawa at mga may ari (employer).

 

Tinalakay sa naturang diyalogo ang ukol sa rekomendasyon ng pagdaragdag ng sahod ng ilang manggagawa sa pribadong sector.

 

Sa pamamagitan ng workshop activity na ipinagawa ng DOLE na  i-prinisenta ng bawat grupo lumabas ang ilang rekomendasyon ng pagdagdag ng sahod batay sa pangunahing gastusin gaya ng pagkain, pamasahe maging pang kumunikasyon o cell phone load. My ilang grupo na nag rekomenda ng 15pesos 18, 25 at 70 pesos na dagdag mula sa 310 na minimum wage. Ito ang pagbbatayan ng RTWPB na pulso ng ilang taga cam. Norte na dumalo  sa naturang pagdinig at ito ay pinaboran nman ng ilang employer  na naroon. Bagaman may ilang di pumabor. Ito ay sasailalim pa rin sa konsultasyon batay sa mungkahi pa rin ng ibang probinsya sa Bicol Region.

 

By: juvie m.