Una nang nagkaroon ng online processing sa pagkuha ng national police clearance ang bayan ng Daet, ito ang tinatawag na National Police clearance na kahalintulad ng pagkuha ng NBI clearance.

Subalit tanging Daet municipal police station pa lang ang may ganitong online processing. Sa ilang bayan katulad ng bayan ng Mercedes namamalagi pa ring mano mano o manual ang pagbibigay ng clearances.  Ito ay nagkakahalaga ng isang daan at limampung piso na babayaran sa tanggapan ng municipal treasurers’ office at may dagdag na limampung piso na para sa ink printer diumano ,  papel na ginamit at maging sa pag proseso nito batay sa pahayag ni PCR Maggie Calayo ng Mercedes MPS.

 

Maging ang ilang bayan sa lalawigan ay namamalagi sa manual processing pa rin ang pagkuha ng police clearance.

 

By: Juvie M.