Kasalukuyan pa ring pinag hahanap ng mga kapulisan, BFP at ibang pang mga rescuers ang katawan ng isang mangingisda matapos maglayag nitong Pebrero 17, 2020 at hanggang sa ngayon ay di pa rin nakakauwi sa kanilang tahanan sa bayan ng Capalonga.

 

Kinilala ang mangingisda na si Bienvinido Conchada, 52 anyos, residente ng Purok 3, Brgy. Poblacion ng nasabing Bayan.

 

Ayon sa inpormasyon na ibinahagi ng Hepe ng Capalonga na si PLt. Arthur Yanto, bandang alas kwatro ng hapon nitong Pebrero 17 ng maglayag sina Conchada sa laot sakay ng dalawang maliit na motorized na bangka. Mag isa lamang sa isang bangka ang nasabing biktima. Bandang alas dos ng madaling araw, Pebrero 18, ng di na maaninag ng kanyang pamangkin na si Arnel Conchada ang ilaw sa bangka na sinasakyan ng biktima. Inakala tuloy nila na ito’y nauna nang umuwi.

 

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang paghahanap at nagpaabot na din ng impormasyon ang Capalonga PNP sa mga kalapit na lugar kung sakaling may makakita sa biktima.

 

Camarines Norte News,