Dead on arrival na ng makarating sa ospital ang katawan ng dalawang katao matapos ang isang aksidente sa isang kalsada nitong huwebes, Pebrero 27 taong kasalukuyan, bandang 6:50 ng gabi sa Brgy. Cabusay, Labo, Camarines Norte.

 

Kinilala ang isang senior citizen na si Delia Necio Denum, 65 anyos, residente ng P-1, Brgy. Cabusay, Labo, Camarines Norte at ang driver ng motorsiklo na si Aljean Balon Neri, 27 anyos, residente ng S. O Foster, Brgy. Malasugui ng nasabing bayan.

 

Base sa tala ng Labo MPS, ay patawid ang matanda sa isang kalsada sa nasabing lugar ng bigla itong mabanggaan ng isang motorsiklo na minamaneho ni Aljean Balon. Agaran namang isinugod ang dalawa sa ospital ngunit pareho na itong walang buhay ayon sa tumingin na doktor.

 

Napag alaman naman na walang Driver’s License si Aljean Balon at wala rin plate number at OR/CR ang motorsiklo.

 

Sa ngayon ay pansamantala munang hawak ng Barangay Council ng Cabusay, Labo ang motorsiklo para sa kaukulang disposiyon.

 

Camarines Norte News,