Bakas sa mukha ang saya at katuwaan ng mga napagkalooban ng LIBRENG wheel chair, prosthesis legs, walker, eye check-up, crutches at blind cane dito sa bayan ng Daet.

 

Ito ang programa ng pamahalaang lokal ng Daet sa mga Person with disabilities o PWD, sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa ilang non govt organisation gaya ng Physician for Peace na siyang nagkaloob ng mga nabanggit na serbisyo at kagamitan.

 

Sa panganguna ni Ms. Jobelle Mago , PWD coordinator and head designate dito sa bayan ng Daet at sa pakikipagtulungan na rin ng Pamahalaang panlalawigan matagumpay na naipagkaloob sa mga identified beneficiary ang mga nabanggit na benepisyo gaya ng prosthesis legs.

Nabigyan ng artipisyal na paa sina Ferda Abando ng brgy. Camambugan, Gerardo Arquizal brgy. Pamorangon, at Ramon Ramos ng brgy. Magang.

Katuwang sa pamamahagi sina Vice Gov. Concon Panotes, at Board member Atoy Moreno.

 

Kasabay ng nabanggit na aktibidad ang Assessment and validation sa posible pang maging iba pang beneficiary .Sa darating na Abril maaaring ibang grupo naman ang magbigay ng libreng Medical Assistance.

 

By: Juvie M.