Wala nang buhay ang katawan ng isang lalaki ng matagpuan ito ng kanyang mga kaanak na tadtad ng taga sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan sa bulubunduking bahagi ng Jose D. Jarapa, Brgy. Old Camp, Capalonga, Camarines Norte, nitong nakaraang huwebes, Pebrero 27, taong kasalukuyan.

 

Kinilala ang biktima na si Edizon Goyala Lorenzo, 26 anyos, residente ng nasabing lugar.

 

Base sa tala ng Capalonga MPS, nagtungo lamang daw ang biktima sa bundok upang hatiran o dalahan ng pagkain ang Ama nito umaga ng Miyerkules, Pebrero 26, ngunit hindi na ito nakabalik kung kayat hinanap na ito ng kanyang mga kaanak. Ayon naman sa hepe ng Capalonga na si Arthur Yanto, dahilan ng pamamaslang sa biktima ay matagal nang away sa lupa. Dati na rin kinasuhan ang biktima at Ama nito sa pagnanakaw ng niyog ng mga magulang ng suspek.

 

Sa ngayon ay hawak na ng kapulisan ang limang (5) suspek na sina Kimbo Jarapa, Jojin Jarapa, Ryan Vavan, Dodong Rodriguez at Leocadio Doe. At sila ay nasampahan na rin ng kasong murder sa ilalim ng Article 248 ng revised Penal Code.

 

Camarines Norte News,