Sa pangunguna ni Congresswowan Josie Baning Tallado ay namahagi ang Team Serbisyong Tallado ng mga libreng gamot para sa mga mamamayan ng Unang Distrito dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

 

Karamihan ng mga gamot na ipinamahagi ay ginamit sa mga medical missions at ang iba naman ay ipinamigay sa mga bawat barangay. Ang layunin ni Congresswoman Josie Baning Tallado dito ay upang makatulong sa mga taong mahihirap na nangangailangan ng atensyon at tulong pagdating sa kanilang mga kalusugan sapagkat napakahirap para sa isang pamilya kung merong may sakit sa isa sa kanila. Kung kaya’t labis din ang pasasalamat ng Congresista sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa patuloy nitong pagsuporta sa kanyang adbokasiya na makatulong sa kanyang nasasakupan.

 

Para sa kaalaman ng lahat, ang mga ipinamahaging assorted medicines ay nagmula sa opisina na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ito ay ipinagkaloob kay Congresswoman Josie Baning Tallado nitong Pebrero 20, 2020 na nagkakahalaga ng Php 49,997.50.

 

Camarines Norte News,