Patay ang dalawang katao na sakay ng isang motorsiklo matapos nitong bumangga sa isang puno, bandang 3:40 ng hapon nitong nakaraang miyerkules, March 11, 2020, sa Brgy. Mabilo 1, Labo, Camarines Norte.

 

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Efren De Vela Necio, 63 years old, residente ng Purok 1 Brgy. Tulay na Lupa ng nasabing bayan. Habang inaalam pa ng mga kapulisan ang pagkakakilanlan sa isa pang kasama nito.

 

Base sa tala ng Labo MPS, sakay ng motorsiklo ang dalawang biktima papuntang Tulay na Lupa mula sa Centro ng Labo, ng marating nila ang lugar na pinagyarihan ay biglang nagpabilis ng patakbo ang driver ng motor hanggang sa dumire-deretso ito at nabangga sa isang puno ng manga, matapos bumangga ay  nahulog pa ito sa isang drainage canal.

 

Agaran namang dumating ang mga rumespondeng personahe ng MDRRMO at isinugod ang mga biktima sa malapit na hospital ngunit Dead on Arrival na ang dalawa ayon sa tumingin na doktor.

 

Camarines Norte News,