Mass Schedule via Live Stream:6:30 AM (Daily Mass)6:00 PM (Daily Rosary)9:30 AM & 5:30 PM (SUNDAY MASS)please share to your love ones and follow the page: Most Holy Trinity Cathedral – Daet. Thank you very much and God bless us all.

Posted by Most Holy Trinity Cathedral – Daet on Friday, March 20, 2020

Marso 21, 2020, Daet, Camarines Norte. Sa gitna ng krisis na nararanasan ng buong bansa partikular na ng lalawigan ng Camarines Norte ay nagbigay ng mahalagang mensahe ang obispo ng Diyosesis ng Daet na si Most. Rev. Rex Andrew Alarcon. Ito ay upang bigyan ng lakas ng loob ang mga mananampalatayang katoliko sa lalawigan na kasalukuyang nahaharap sa banta ng COVID-19.

Sa video na ipinost ng Obispo sa Facebook page ng diyosesis, sinabi nito na bukod sa kalakasang pisikal ay mas kinakailangan natin ang kalakasang ispiritwal upang harapin ang kasalukuyang krisis sa bansa. Dagdag pa ng obispo, sa panahong ito ay mas kinakailangan umano ng lahat ang biyaya at awa ng Panginoon.

Samantala, bilang tugon sa ispiritwal na pangangailangan ng mga mananampalataya sa lalawigan ay ibinahagi ng obispo ang schedule ng mga misa at aktibidad sa Most Holy Trinity Cathedral of Daet na pwedeng ma-access ng lahat online:

Daily Online Mass (Monday-Saturday): 6:30 ng umaga

Daily Online Rosary: 6:00 ng gabi

Sunday Online Mass: 9:30 ng umaga, at 5:30 ng hapon 

Ang mga naturang misa at aktibidad ay maaring mapanood sa Facebook page ng Most Holy Trinity Cathedral – Daet sa link na ito : https://www.facebook.com/Most-Holy-Trinity-Cathedral-Daet-105625331018076/

Sa pagtatapos ng mensahe ng obispo ay hinimok rin nito ang lahat ng Parokya sa lalawigan na patugtugin sa kani-kanilang mga trompa ang kanilang pagsasagawa ng “private mass” nang sa gayon ay ito ay marinig ng mga mananampalataya. Inaanyayahan rin ang lahat na makiisa sa pagdadasal ng komunidad ngayong nahaharap ang buong bayan sa krisis.

 

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News