ILAN DING MGA ISYU ANG SINAGOT NINA ATTY. DON H. CULVERA, INCIDENT COMMANDER NI GOV. EDGARDO A. TALLADO, PDRRMO PROVINCIAL OFFICE ANTONIO E. ESPAÑA AT CNPPO CHIEF COL. MARLON TEJADA.

 

KAUGNAY NA NGA DITO ANG ILANG MGA TAGA CAMARINES NORTE NA NAGLALAKAD PAUWI NG LALAWIGAN SA KASALUKUYAN MULA SA IBAT IBANG DAKO NA HUMIHINGI NG TULONG NA MASUNDO , SUBALIT TINUTULAN ITO SA POSIBLENG PAGDAMI PA NG PERSON UNDER MONITORING O PUM SA LALAWIGAN.

 

KASALUKUYANG  GINAGAWA ANG DALAWANG  QUARANTINE AREA SA DAKO NG BGY. MAYBATO SA BAYAN NG PARACALE AT SA BGY. MAT-I SA BAYAN NAMAN NG VINZONS. HINIHINTAY DIN NILA ANG SAGOT NG DEPED CAMARINES NORTE SA KAHILINGANG GAWING QUARANTINE AREA DIN ANG ISANG MALAKING PAMPUBLIKONG PAARALAN SA BGY. TABOGON SA BAYAN NG STA. ELENA NA SIYANG ENTRY POINT PAPASOK NG LALAWIGAN. ANG LABO DISTRICT HOSPITAL SA BGY. TALOBATIB SA BAYAN NG LABO NAMAN ANG PLANONG  PAGLAGAKAN NG MGA PERSON UNDER INVESTIGATION O PUI NA MAITATALA.

 

PINAALALA NAMAN NG MGA KAPULISAN SA PANGUNGUNA NI CNPPO PROVL CHIEF COL. MARLON TEJADA NA PWEDE MAMILI ANG HINDI TAGARITO SA LALAWIGAN BASTA LAMANG SUMUNOD SA PROTOCOL NG MGA CHECKPOINTS KATULAD NG PAGPAPAKITA NG HOME QUARANTINE PASS, MGA TAONG EXEMPTED O MERONG WORKING PASS AT ANG MGA TAONG  NASA BASIC SERVICES O ESSENTIALS KATULAD NG NAGTATRABAHO SA MGA DRUGSTORE , SUPERMARKET O GROCERIES BASTA IPAKIKITA LAMANG ANG CERTIFICATE OF EMPLOYMENT O COMPANY ID’S KAHIT DI NA HUMINGI NG PERMIT SA MGA MUNISIPYO.

 

DI NAMAN TULUYANG ITINATANGGI NA KUNG LALALA ANG SITWASYON AY POSIBLE NGA ANG “LOCKDOWN” SA LALAWIGAN KAYAT PINAKIKIUSAPAN ANG MGA PAMAHALAANG BARANGGAY NA GASTUSIN NA ANG CALAMITY FUND BAGO ABUTIN NG POSIBLENG LOCKDOWN AT NANGANGAMBANG BAKA DI NA ITO MAGAMIT.

 

MADALI ANIYANG GAWIN NA ITO DAHIL HINDI NA ITO DADAAN SA BASIC PROCUREMENT PROCEDURES NA IPINATUTUPAD.

 

SA MGA FRONTLINERS NAMAN KATULAD NG MGA HEALTH WORKERS, MGA KAPULISAN,  DOCTORS AT NURSES,  MAKAKATANGGAP ANIYA ITO NG INCENTIVES MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN AT DI TUWIRANG NASAGOT KUNG SAKALI SUMAILALIM NAMAN ANG MGA ITO SA QUARANTINE PROCEDURES AT KUNG SINO ANG PAPALIT SA KANILANG PUWESTO

 

PINAALALAHANAN DIN ANG LAHAT NA LIBRE O WALANG HINIHINGING BAYAD ANG MGA HOSPITALS SA NGAYON.

 

by: ORLANDO ENCINARES