Binawian na ng buhay ang isang Person Under Investigation o PUI na residente sa Bayan ng Jose Panganiban nitong nakaraang biyernes, March 20 taong kasalukuyan.

 

Napabilang ang pasyente sa PUI sa kadahilanang nakitaan ito ng mga sintomas ng COVID 19. Ito’y na-confine sa Panlalawigang Pagamutan ng Camarines Norte o CNPH.

 

Dahil sa mga issueng lumalabas ngayon kaugnay sa pangyayaring iyon lalo na sa social media. Ay agad rin nilinaw ng Mayor ng Panganiban na si Ariel M. Non na negatibo ang pumanaw na pasyente sa COVID 19. Ayon sa DOH Region 5 sa ibang karamdaman ang dahilan ng pagkamatay ng pasyente.

 

Dagdag pa ni Mayor Ariel M. Non sa kanyang mensahe para kanyang mga nasasakupan. Nananatili pa ring ligtas ang Bayan ng Jose Panganiban. Kung kaya’t tuloy lamang ang laban, magkaroon ng disiplina, kalinisan at pananalig sa Diyos sapagkat yan ang natatanging sandata natin laban sa COVID 19.

 

Camarines Norte News,