Mga bilihing pagkain na nagsisitaasan, mga taong walang pansamantalang trabaho, yan ang simula ng paunti-unting paghihirap ng napakaraming pamilya sangayon.

 

Ngunit sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan natin, ay nananatili pa ring matatag ang bawat isa, may mga tao pa ring handang tumulong sa ating kapwa sa kabila ng dinadanas nating sakripisyo dulot ng COVID 19.

 

Nitong mga nakaraang araw ay nagsimulang mamigay ng tulong ang dalawang personahe na kapwa may programa sa COOL RADIO na sina Melvin Merciales ( Em Em ) at Zalvar Santos Matubang ( Kuya Val ).Sila ay namahagi ng mga relief goods sa ilang mga kabahayan dito sa bayan ng Daet at namigay rin ng kaunting tulong na pagkain sa ilan sa mga kapulisan at kasundaluhan natin na siyang nagbabantay sa bawat checkpoint ng ating lalawigan.

 

Sa ating pag iikot-ikot dito sa Camarines Norte ay napakarami rin ang mga taong kagaya nila na may pusong matulungin. Ito ay patunay lamang na kahit anomang sakuna at problema ang ating danasin ay tayo parin ay may ugaling mapagmahal at may malasakit sa ating kapwa.

 

Kagaya ng ating laging paalala sa bawat isa, magkaroon tayo ng disiplina, maging maingat sa ating mga sarili at laging manalangin sa ating Panginoon sapagkat ito lamang ang natatangi nating sandata laban sa krisis na kinakaharap natin ngayon.

 

By: Phillip R.

Camarines Norte News,