TINIPON ANG LAHAT NG MAYORS SA 12 MUNISIPALIDAD AT MGA AHENSIYA SA LALAWIGAN SA GINAWANG PRESS BRIEFINGS NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA PAMUMUNO NI GOB. EDGARDO TALLADO SA LABAS NG KAPITOLYO SA DAET, CAMARINES NORTE UPANG MAG-ULAT NG MGA SITWASYON SA KANIKANILANG MUNISIPALIDAD O OPISINA.

 

NAUNA NG NAG PAHAYAG ANG MGA PUNONG BAYAN SA KALAGAYAN NG MGA PERSON UNDER MONITORING O PUM O KUNG MERON NG TALA NG PERSON UNDER INVESTIGATION O PUI.

 

SA BAYAN NG CAPALONGA, GUMAGAMIT

UMANO SILA NG MGA RICE SPRAYERS SA PAGDIS INFECTANT SA BAWAT BAHAY KAHIT NA NGA UMAABOT UMANO SA 250 PESOS PER 500 MILLILITER ANG PRESYO NITO NA SIYA NILANG INILALAGAY SA MGA SPRAYERS.

 

SA JOSE PANGANIBAN, DAHILAN SA KAKAPUSAN NG MGA TEST KITS, NO RECORDS ANG ILANG TAO DOON. IMINUNGKAHI NGAYOR DITO ANG PAGKAKAROON NG “SCARE  TACTICS” PARA SA PUBLIKO AT GUMAWA NG VIDEO PRESENTATIONS ANG LALAWIGAN KUNG GAANO KALALA ATNAKAKATAKOT ANG DULOT NG SAKIT NA COVID 19.

 

SA BAYAN NG PARACALE  NASA 1, 631 PUMs ANILA ANG KANILANG MINOMONITOR AT NAKAHANDA ANG BGY MAYBATO NA GAWING QUARANTINE AREAS.

 

SA BAYAN NG DAET SA NAGING PAG UULAT NITO, NAGPALABAS NG SARILING EXECUTIVE ORDER ANG MUNISIPYO UPANG MAGKAROON NG “WINDOW HOURS”  O ORAS NG PAMIMILI NG MGA KAILANGAN SA BAHAY ANG MGA BARANGAY NA NAKA ISKEDYUL SA MGA ARAW NG MWF AT TTHS  SA MGA ORAS NA 7 TO 10 NG UMAGA AT 2 TO 5 NAMAN SA HAPON.

 

MARIING TINUTULAN NAMAN ITO NI TALLADO AT SINABING DAPAT ANIYANG SUNDIN ANG EXECUTIVE ORDER NA KANYANG IPINALABAS AT BUKOD DUN WALA NG IBA PANG ILALABAS ANG MGA MUNISIPALIDAD. DAHIL WALA UMANONG “WINDOW HOURS” SIYANG BINABANGGIT BAGKUS ANG CURFEW HOIRS AY MULA 6AM TO 6PM AT KUNG BIBILI AY DAPAT ISA LAMANG PER HOUSEHOLD NA MAY QUARANTINE PASS ID ANG BIBILI.

 

SA BAYAN NG MERCEDES HINDI PINAPAYAGAN SA_ “FISHPORT AREA” ANG NAKAUGALIANG “BULUNGAN” SA PAMAMALENGKE KAYAT ISUSULAT NA LANG ANIYA SA PAPEL KUNG MAGTATANONG NG PRESYO NG MGA ISDA O NG KAHIT ANO PA MANG LAMANG DAGAT SAPAGKAT ITO ANG ITINUTURING  NA FISHBOWL NG LALAWIGAN.

 

AYON NAMAN SA NATIONAL FOOD AUTHORITY O NFA, NASA 12,000 SAKO NG BIGAS ANG NASA KANILANG PANGANGALAGA. 8,846 AY NAKAHANDA NG IBIGAY SA MGA MUNISIPALIDAD NA IBIG LANG SABIHIN 3, 171 ANG MATITIRA KAPAG NAIPAMAHAGI NA. HINIHINTAY PA NILA ANG KARAGDAGANG 20,000 SAKO NG BIGAS NA NAGMULA NAMAN SA REGION IV.

 

ANG PAMUNUAN NG CAMARINES NORTE STATE COLLEGE O CNSC AY IBINIGAY ANG MALAKING SCHOOL NILA SA BGY. TABUGO SA BAYAN NG STA. ELENA UPANG GAWING QUARANTINE SITE NG MGA PUMs SAPAGKAT MARAMI NA ANG MGA TAONG NAIPON SA LUGAR SAPAGKAT ITO ANG ENTRY POINT NG LALAWIGAN.

 

AYON NAMAN SA DEPARTMEMT OF TRADE INDUSTRY O DTI PATULOY ANG KANILANG MONITORING AT WALA SILANG NAITATALANG NANAMANTALA SA MGA PRESYO NG BILIHIN SA MGA PAMILIHAN.

 

INIULAT NAMAN NG PROVINCIAL SANITARY INSPECTION ANG GAGAWING PAGDIS INFECT SA LAHAT NG BARANGGAY SA BUONG LALAWIGAN AT HUMINGI NG ASSISTANCE SA PAMUNUAN NG BUREAU OF FIRE PROTECTION O BFP ANG PAGSASAGAWA NITO.

 

AYON NAMAN SA BFP, HANDA UMANO SILA DITO SUBALIT DI PWEDENG LAGYAN NG ANUMANG URI NG KEMIKAL  ANG KANILANG MGA TANGKE BAGKUS KAILANGAN ANIYANG GUMAMIT NG MGA DRUMS UPANG HIGUPIN LAMANG NG KANILANG MGA FIRE TRUCK AT IISPRAY. BAWAL UMANO SA KANILANG KAUTUSAN NA GAMITIN ANG TANGKE NG MGA FIRE TRUCKS.

 

HINILING DIN NG GOBERNADOR ANG BOLUNTARYONG SERBISYO NG MGA MEDICAL PERSONNEL NG DEPARTMENT OF EDUCATION O DEPED SUBALIT SINABI NG TAGAPAGSALITA NG DEPED NA KAILANGANG MAY LUMABAS NA KAUTUSAN GALING SA ITAAS UPANG SUNDIN ANG KAHILINGAN NG GOBERNADOR DAHIL UMANO SA “BUREUCRATIC PROCESS” DITO.

 

MULA DITO SA LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE

 

ORLANDO ENCINARES