Ipinahayag ni Chief Petty officer Mario Allan Rosales, Sub Station Commander Coast Guard Camarines Norte na matatagpuan sa bayan ng Mercedes. Sa panayam ng COOL RADIO NEWS FM, kaniyang nilinaw na hindi naman ipinagbabawal ang pamamalakaya ng isda sa karagagatan ng Mercedes, malaya silang makakapangisda provided na meron silang permit na dati na nilang ginagamit bago p man magkaroon ng Community Quarantine.

 

Sa kabilang banda, mas pinaigting ang kanilang monitoring sa mga pangingisdang dayo sa teritoryo ng Mercedes.  Kamakailan ilang mga mangingisda mula sa Dalahican Quezon ang pansamantalang pinigil para sa kaukulang inspeksyon sila ay sumailalim sa Person Under Motoring (PUM) gaya ng ipinalabas na direktiba sa sinumang inabot ng Enhance Community Quarantine.

Sa ngayon nagpapatuloy ang mas pinaigting na monitoring sa lahat ng mga pumapalaot sa karagatan.

Dagdag pa ni G. Rosales na sila man sa hanay nila ay hindi exempted sa Quarantine kung kinakailangan, katunayan yung ibang mga kasamahan niya na galing sa Metro Manila ay nakalagak ngayon sa isang pribadong hotel para sa 14 days Self Quarantine.

 

By: Juvie M.