Nitong mga nakatalikod na araw ay nagpaabot ng mensahe ang Congresswoman ng Unang Distrito na si Josie Baning Tallado upang pasalamatan ang mga mamamayan nating Frontliners mula sa mga Health Workers, Barangay Officials, Uniformed Personnel’s, Media Practitioners, mga Volunteers at iba pang mga Frontliners na matiyagang nagtutulong-tulong para sa ating lalawigan.

 

Ayon kay Cong. Josie Baning Tallado ay lubos niyang pinasasalamatan ang kanilang sakripisyo at pag-aalay ng sarili upang maghatid ng tulong sa ating kapwa na bagamat mahirap ngunit nandiyan ang kanilang sakripisyo sa gitna ng isinasagawang Enhanced Community Quarantine para labanan ang banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

 

Dahil dito, simula nung nakaraang lunes, March 23, 2020. Ay pinuntahan ni Cong. Josie Baning Tallado ang lahat ng mga Checkpoints ng kanyang nasasakupan sa Unang Distrito daladala ang nasa mahigit 52 sando bags na naglalaman ng kape, biscuits at asukal.

 

Natuwa at nagpasalamat naman sa Kongresista ang ating mga Frontliners. Ayon sa kanila, napakalaking tulong na ng mga ganitong bagay sa kanila, lalo na’t sila ay humaharap sa napaka bigat na misyon ngayon.

 

Nagpaabot din ng bigas, kape, asukal at itlog ang Congresista sa mga kasamahan natin Frontliners-Media Practitioners sapagkat malaki rin ang kanilang ambag sa pagbibigay ng mga impormasyon sa bawat mamamayang CamNorteno.

 

Ito ay patunay lamang na sa kabila ng Krisis na kinakaharap natin ngayon ay kasama natin at hindi matitinag ang Team Serbisyong Tallado kahit pa sa kabila nito ay may ilang mga trolls na walang tigil sa pagpapakalat ng mga Fake News tungkol sa kanila.

 

by: Phillip R.

Camarines Norte News,