Inaresto ng mga BARANGAY TANOD ang isang lalaki matapos nitong lumabag sa isa sa mga ipinagbabawal ngayon ang LIQUOR BAN, nitong nakatalikod na araw, sa Purok 2, Barangay Sta. Elena, Talisay, Camarines Norte.

 

Kinilala ang naaresto na si Pommel Gago Pada, 28 anyos at residente ng Purok 3, Barangay Del Carmen ng nasabing Bayan. Napag alaman din na ito ay nagtatrabaho bilang isang Job Order sa LGU-Vinzons.

 

Base sa tala ng Talisay MPS, si Pommel Pada ay naaresto sa Barangay Quarantine Checkpoint Post matapos nitong hindi maipakita ang kanyang Quarantine Pass at napansin din ng mga Personnel na ito ay nakainom at lasing ng mga oras na iyon.

 

Dahil sa pangyayari ay nagalit, ininsulto at pinagbantaan ni Pommel ang mga tanod at sinabing “mas mahigpit pa kayo sa pulis at kong anu-ano pa ang inyong hinahanap at mga brgy tanod lang kayo” at “magkikita pa tayo ulit”.

 

Sangayon ay hawak na ng Talisay MPS ang naarestong lalaki at kasalukuyan na ring inihahanda ang kasong kahaharapin nito.

 

By: Phillip R.

Camarines Norte News,