Sa pangunguna ni PD Col. Marlon Tejada ng Camarines Norte Police Provincial Office, ang lahat ng mga hepe ng bawat bayan ay inutusan na ipatanggal na ang lahat ng mga Barangay Checkpoints na nasasakop ang mga Provincial at National Roads.

 

Ito ay nagmula sa ipinalabas na utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong nakaraang Marso 31, 2020. Ito ay ipinatupad upang di na naaabala sa pagdeliver ang mga sasakyan na naglalaman ng mga pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng ating bayan. Dahil naaabala ang mga ito sa sunod sunod na mga checkpoints ng bawat barangay.

 

Samantala, pinahihintulutan pa rin naman ang mga barangay na magkaroon ng mga checkpoints ngunit kinakailangan pa rin na merong coordination ang mga barangay officials sa mga kapulisan.

 

Camarines Norte News,