Arestado ang isang binatilyo matapos nitong mag matigas at murahin ang isang pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa bayan ng Vinzons.

 

Kinilala ng tauhan sa checkpoint ang binatilyo na si Jerry Bitago PestaƱas, 22 years old at residente ng San Estaquio St. Brgy. 3 Poblacion ng nasabing bayan.

 

Base sa tala ng Vinzons MPS, bandang 12:35 ng tanghali nitong nakaraang Miyerkules, ng sinita ng isang pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa lugar ang isang binata upang tingnan ang Quarantine Pass na dala nito. Ngunit napansin ng Pulis na hindi nito pag mamay-ari ang Quarantine Pass na kanyang dala-dala. Pinagsabihan ito ng pulis ngunit imbes na makinig at sumunod sa sinabi ay nagpakita ang binatilyo ng hindi kagandahang ugali. Ayon sa kanya, ay mapapagod lamang siya kung uuwi pa para kunin ang kanyang Quarantine Pass. Hindi pa ito nakuntento at minura pa ang Pulis. Dahil dito ay inaresto na agad ang binatilyo at dinala sa himpilan ng Vinzons Municipal Police Station.

 

Si Jerry Bitago PestaƱas ay haharap sa kasong Violation of Article 151 of Revised penal code o disobedience to a person in Authority or the agents of such person.

 

Camarines Norte News,