Abril 3, 2020, Daet, Camarines Norte. Pinasinayaan na kaninang umaga ang itatalagang COVID-19 hospital sa lalawigan ng Camarines Norte. Sa naging desisyon ng Pamahalaang Panlalawigan ay itinalaga bilang COVID-19 treatment facility ang Labo District Hospital na kung saan mas lalo pang paiigtingin nito ang kakayahan ng probinsya sa paglaban sa COVID-19.

photo above: Pinangunahan ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang pagbababas sa COVID-19 hospital sa lalawigan. Dumalo sa inagurasyon ng ospital sina Governor Edgardo Tallado, Congresswoman Josie Tallado, at ang iba pang mga matataas na opisyal ng pamahalaan sa probinsya. 

Layunin ng ospital na tutukan ang lahat ng PUI (persons under monitoring) at sinumang magpopositibo sa COVID-19 sa lalawigan para sa mas maayos na sistema at consolidation ng mga pasyente.

Ayon kay Gobernador Edgardo Tallado, kumpleto sa mga bagong kagamitan ang nasabing ospital upang gamutin/tutukan ang mga indibidwal na positibo sa COVID-19. Ilan sa mga bagong kagamitan na ito ay ang ventilator, testing kits, at testing machine na kaya umanong maglabas ng resulta sa loob lamang ng lima hanggang labinlimang minuto.

Dagdag pa ng gobernador, handang handa na rin umano ang mga doktor at mga health workers na aalalay sa mga PUIs at COVID patients kung sakali.

Sa kasalukuyan ay COVID-19 free pa rin ang lalawigan ng Camarines Norte at mahigpit na ipinatutupad ang border lockdown sa mga bayan ng Sta. Elena at Basud upang mapigilang makapasok sa probinsya ang nasabing karamdaman.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News