Abril 3, 2020, Daet, Camarines Norte. Nagagalak na inanunsyo ni Naga city Mayor Nelson Legacion ang ikaapat na recovery ng COVID-19 sa kabikulan, iyan ay matapos magnegatibo na sa ikalawang COVID-19 test ang 30 anyos na si PH 2166. Tinukoy nang alkalde na ang pasyenteng nakarekober ay isang babae na residente ng Concepcion Pequena sa lungsod ng Naga.

Bukod pa rito, nagnegatibo rin sa test ang lola ng nabanggit na pasyente. Dahil dito, idinedeklara ng lungsod na COVID-19 free na muli ang Naga matapos parehong makarecover ang dalawang positibong pasyente sa lungsod.

Samantala, inalis na ng alkalde ang total lockdown na ipinatutupad sa subdivision kung saan nakatira si PH 2166 at ibinalik na lamang muli ito sa Enhanced Community Quarantine status.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News