Abril 3, 2020, Daet, Camarines Norte. Sa kabuuang 11 confirmed cases ay umakyat na sa walo ang mga naitatalang recoveries ng COVID-19 sa kabikulan, yan ay ayon sa opisyal na datos na ipinalabas ng Department of Health Bicol kaninang alas singko ng hapon.

Ang mga naitalang recovery cases ay sina PH766, PH763, PH765, PH1320, PH2166, PH2145, Bicol# 8, at Bicol# 9. Dalawa sa mga nabanggit na pasyente ay nagnegatibo na sa test samantalang ang lima naman ay hindi na nagpamalas ng anumang sintomas ng COVID-19.

Ang mga natitirang kaso naman na sina Bicol #6, Bicol #10, at Bicol #11 ay pawang mga nasa stable ng kondisyon. Dalawa sa mga natitirang pasyente ay nasa Albay at ang isa naman ay nasa lalawigan ng Camarines Sur.

Sa kasalukuyan ay nasa pitong (7) PUI (persons under monitoring) pa sa rehiyon ang naghihintay ng resulta mula sa Department of Health.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News