Daet, Camarine Norte, April 4, 2020 – Sinimulan nang ipamigay ang humigit-kumulang sa 60,000 Foodpacks na hahatiin at ihahatid sa mga bayan ng Camarines Norte upang ipamigay bilang dagdag na tulong sa mga mamamayang apektado ng umiiral pa ring Enhanced Community Quarantine (ECQ)

Ang nasabing foodpacks ay nagmula sa pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte. Ang ayuda mula sa lokal na pamahalaan tumutugon sa mga nakapaloob sa guidelines ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na idaan sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang nabanggit na tulong dahil sila umano ang ang mas nakakaalam ng bilang ng mga nangangailangan at kung paano ito hahatiin.

Nagpasalamat naman  si Gov. Egay Tallado sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapagamit ng kanilang mga sasakyan para maihatid ang mga reliefs sa bawat bayan.

Sa mensahe naman ni Gov. Tallado, sinabi nitong hindi dapat umiiral ang pamumulitika sa panahong ito kung saan kinakaharap ng lahat ang krisis sa COVID-19.

Dagdag pa ng gobernador na kinakailangang maabutan ng tulong ang lahat ng mga nangangailangan, gayundin ang pagkakaroon ng tulungan upang mapagtagumpayan ang bantang dulot ng naturang sakit.

Camarines Norte News