Sa Mercedes High School kasalukuyang nakaquarantine ngayon ang nasa 127 PUM’s na Mercedeños na nanggaling sa Tabugon, Sta. Elena, na kinuha naman ng LGU-Mercedes nitong nakaraang sabado lamang.

 

Tiniyak naman ng Pamahalaan ng Mercedes at ng mga kapulisan na bantay sarado nila ang nasabing paaralan kung saan doon naka quarantine ang ilang mga kababayan nilang PUM’s sapagkat karamihan ng mga ito ay patapos na sana sa kanilang 14 days of quarantine, ngunit dahil sa kautusan ng Department Of Health (DOH) na ulitin muli ito ay panibagong 14 days muli ang kanilang kahaharapin.

 

Ayon sa mga Personahe ng LGU, uwing-uwi na rin daw ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan, kaya ng dahil sa panibagong 14 days quarantine Period ay posibleng magtulak ito sa kanila upang tumakas.

 

Ayon naman kay Municipal Administrator Elmer Nagera, ibinibigay naman nila ang pangangailangan ng mga ito kagaya ng pagkain at iba pang kagamitan na kanilang kailangan.

 

Camarines Norte News,