Sa panayam ng Cool Radio sa programang Dyaryo sa Cool Radio ni Mr. Ricky Pera. Kanyang nainterview ang ating Gobernador na si Gov. Edgardo “Egay” Tallado, kaninang 7:30 to 9:30 ng umaga, April 13, 2020.

 

Sa interview, ay labis ang pasasalamat ng ating Gobernador sa ating mga Frontliners mula sa ating mga health workers, mga kasundaluhan, kapulisan, sa mga volunteers at iba pa na nagkakaisa at nagtutulong tulong upang mapigilan ang pagpasok ng ating pinangangambahan na kalaban sa ating lalawigan, ang COVID19.

 

Dagdag pa dito, patuloy pa rin ang paghihigpit ng ating mga checkpoint sa bawat boundary ng ating lalawigan. Sangayon ay may pangilan-ilan na lamang na dumadating na ating mga kababayan mula sa labas ng ating lalawigan ngunit nakahanda naman ang mga ito na sumailalim sila sa 14 days quarantine. Nagpasalamat din ang ating Gobernador sa mga taong may mabubuting loob na nagpapaabot ng kanilang tulong sa ating mga frontliners sa mga checkpoints.

 

Samantala, natanong naman ni Mr. Ricky Pera na “kung sakaling magpapatuloy ang pagiging Zero positive sa ating lalawigan ay maaari bang makapaghanap buhay na muli ang ating mga kababayan kahit dito lamang sa loob ng ating probinsya?”. Sagot naman ng ating Gobernador “Malamang ay magrerelax na po tayo diyan ng konti, pag uusapan pa po namin yan dahil di lamang po ako ang nagdedesisyon niyan dito, meron po tayong mga kasamahan din mula sa national offices, pag uusapan po namin yan. Basta po gagawin pa rin natin kung ano ang makabubuti sa probinsya natin, sa mga kababayan natin.”

 

Camarines Norte News,