Simula kahapon, April 13, 2020, ay nag umpisa nang manghuli ang mga miyembro ng Daet Philippine National Police (Daet-PNP) katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga taong di sumusunod sa mga batas na pinaiiral ngayong Enhanced Community Quarantine.

 

Kahapon lamang ay nasa 64 na puro mga kabataan ang nahuli ng mga otoridad. Ilan sa mga ito ay nahuli dahil sa gumagala lamang sa labas at walang quarantine pass, naka angkas sa single motor at ang iba pa rito ay nahuli dahil sila ay nasaktohan na nasa labas pa sa oras ng curfew.

 

Ang mga kabataang ito ay kasalukuyang nasa Agro Sports Center at doon ay tinuturuan sila ng ilang mga government personnel kung ano ang kahalagahan ng pananatili sa bahay at pagsunod sa mga ipinatutupad na guidelines ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

 

Ayon sa mga otoridad, pinaiiral pa rin naman sa loob ng Agro Sports Center ang pagsunod sa protocol na Social o Physical Distancing.

 

Naway mag silbing aral ito sa mga kabataang nahuli at ganun din sa ating mga kababayan na tayo ay matutong sumunod sa batas at huwag maging pasaway lalo na at tayo ay may napakalaking problemang kinakaharap, Ang COVID19.

 

Camarines Norte News,