Wala nang nagawa pa ang isang lalaki matapos mahulihan ito ng mga otoridad ng pinaghihinalaang shabu na nakatago sa loob ng kanyang helmet sa kanyang ulo nitong nakaraang sabado, April 18, 2020, sa mismong Mercedes Municipal Police Station sa Brgy. 5, Mercedes, Camarines Norte.

 

Kinilala ang Suspek na si Mark Paul Garcia Rala, 37 years old at residente ng Purok 3, Brgy. 1, nang nasabing Bayan.

 

Base sa tala ng Mercedes MPS, ay nahuli si Mark Paul sa isang checkpoint dahil ito’y walang naipakitang lisensya at ORCR, maging Quarantine Pass ay wala rin. Dahil dito ay dinala ang suspek sa himpilan ng mga pulisya upang papaliwanagin at pinatanggal ang suot nitong helmet. Ngunit matapos tanggalin ni Mark Paul ang kanyang helmet sa kanyang ulo ay biglang nalaglag ang isang piraso ng Heat Sealed Transparent Plastic Sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

 

Dahil dito ay agad na inaresto ng mga kapulisan ang suspek at ang plastic sachet na pinaghihinalaang naglalaman ng shabu ay isasailalim sa pagsusuri ng Camarines Norte Provincial Crime Laboratory Office.

 

Camarines Norte News,