Simula nitong nakatalikod na araw, April 19, 2020 ay nag umpisa nang ipamahagi ng Municipal Social Welfare and Development sa pamamagitan ng Pamunuan ni Mayor Don Mancenido at DILG ng Bayan ng Talisay ang 5,000 pesos bilang Cash Aid sa mga kababayan nating mahihirap kaugnay ng Social Amelioration Program.

 

Kung maaalala pili lamang ang mga pamilyang makakatanggap ng sinasabing Cash Aid. Ito lamang yung mga pamilyang indigent, mga taong arawan ang kanilang kita kagaya ng mga mangingisda at construction worker, mga farmers na walang sariling lupain.

 

Ilan sa mga Barangay ng nasabing Bayan na nabigyan na ng Cash Aid ay ang Barangay ng Sta.Elena, San Isidro, Sta. Cruz, Itomang at Calintaan. Habang ngayong araw naman ay nakatakdang puntahan upang pamahagian ang Barangay ng San Nicolas at Gabon.

 

Tiniyak naman na hanggang April 27 ay matatapos na ang pamamahagi ng SAP sa Bayan ng Talisay.

 

Samantala, patuloy pa rin naman ang pagpapaabot ng SAC Forms sa mga pamilyang kwalipikado na hindi napaabutan ng ilang mga barangay. Iniutos naman ng DILG na piliing mabuti ang paghahanap sa mga pamilyang kwalipikado ng SAP.

 

Makikita sa larawan ang lahat ng barangay ng Talisay pati na ang bilang ng mga pamilyang naging kwalipikado ng SAP. Ang dalawang barangay na inyong nakikita na walang pang DATA ay nasa validating process pa.

 

Camarines Norte News,