Inilabas ng Camarines Norte Police Provincial Office o CNPPO sa pamumuno ni Police Col. Marlon Tejada ang bilang ng mga violators o lumabag sa ipinatutupad na Enhance Community Quarantine sa lalawigan ng Camarines Norte.

 

Sa ipinatutupad na  curfew, 676 na katao ang lumabag, 72 katao naman ang lumabag sa liquor ban, 7 katao ang huli sa illegal drugs, 2 sa hoarding, 44 sa illegal gambling, 43 sa illegal cockfighting o tupada, at 13 katao naman  sa disobedience sa kabuuang 857.

 

Ayon pa kay Tejada mas paiigtingin pa umano ang kanilang gagawing pagpapatupad nito sa mga susunod pang mga araw para na rin sa kaligtasan ng ating mga kababayang Camnorteño.

 

 

ORLANDO ENCINARES

Camarines Norte News,