Nagpatawag ng “Full Council Meeting” ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Edgardo Tallado sa lahat ng ahensya at mga LGU’s sa Camarines Norte upang talakayin ang naging Accomplishment Reports ng mga ito.

 

Tinalakay ang ilang mga paglilinaw sa mga guidelines sa ipatutupad na General Community Quarantine guidelines o GCQ sapagkat mula sa Enhanced Community Quarantine o ECQ ay magiging Low Risk o katumbas sa GCQ na lamang ang lalawigan.

 

Nilinaw din na ang pagpapatupad ng GCQ ay hindi magiging kahulugang “malaya” na ang sinuman sa lahat ng kanyang gustong gagawin bagkus may mga “pagbabago” sa mga ipinatutupad.

 

Tinalakay din ang mga Accomplishment Reports ng Pamahalaang Lokal sa labindalawang bayan sa paglaban sa covid 19.  Ilan ding paglilinaw ng ilang mga Mayors na ang mga natanggap na ayuda ay hindi tumatama sa bilang na kanilang natanggap at nangako naman si Tallado na kanila itong aaksyunan.

 

Sa isyu ng Social Amelioration Program o SAP ang pinakamabigat umanong naging hamon sa mga Mayors, punong Barangay at Department of Social Welfare and Development o DSWD sapagkat di lamang sa Social Media sila nakatatanggap ng reklamo maging sa kanilang Distributions subalit lahat ng kanilang ginagawa umano ay ayon sa mga paraang pinatutupad.

 

Sa huli ay buong pusong muling pinasalamatan ni Tallado ang lahat sa mga sakripisyong inialay, istriktong pagpapatupad at pagsunod ng bawat isa, at prosesong maigting na pagsasagawa upang mapanitiling COVID 19 free ang lalawigan.

 

ORLANDO ENCINARES

Camarines Norte,