Mula nang mag umpisa pa lamang ang Enhanced Community Quarantine hanggang ngayon na malapit nang maging General Community Quarantine ang lalawigan sa paparating na May 1. Ay nakita na natin ang walang tigil at sawang pagtulong ng Congresswoman ng Unang distrito na si Cong. Josie Baning Tallado sa kanyang mga nasasakupan. Mapa frontliners, Senior Citizen, Pamilya at iba pa ay kanyang pinapaabutan hanggat kanyang makakaya.

 

Kahapon, April 27 2020, ay pinuntahan naman ng ating Congresswoman ang mga tanod at Barangay Health Workers o BHW sa 19 barangays ng Sta. Elena upang paabutan ng mga relief packs.

 

Ayon kay Congresswoman Josie Baning Tallado, napakalaki rin ang kanilang papel bilang mga frontliners ng mga barangay, lalo na sa emergency na dinaranas ng bansa dulot ng pandemic na Covid-19 (Karamihan sa mga trabahong ito sa barangay ay sub-minimum na kumikita bilang mga frontliners).

 

Camarines Norte News,