Patok ngayon sa bayan ng Daet ang mga nagsasarapan at nag gagandahang kuha ng mga litrato ng ulam na ang Main Menu ay Manok na nagmula sa 3rd wave na ayuda ng Lokal na Pamahalaan ng Daet.

 

Sa pangunguna ni Sherwin Q. Asis at JP De Leon ay nagsagawa ng isang Contest sa Facebook kung saan ipopost ng mga gustong sumali ang kanilang Finished Product na ulam na manok.

Di lamang pasarapan ng pagkakaluto ng ulam kundi pati na rin ang pagandahan ng pagkakakuha ng larawan sa nilutong ulam!

 

Nagsimula ang Pa Contest kahapon, April 28 (Martes) hanggang MAY 2, 2020 araw ng Sabado. Ang announcement ng mga mananalo ay gagawin sa May 4, Lunes.  Ang nasabing Contest na may Title na “ECQuisine Photo Contest” ay hatid po sa atin ni Mayor Benito “B2K” Ochoa.

 

Para sa mga nais sumali, narito ang mechanics, Criteria at Prizes.

 

Mechanics:

  1. Ang kontes ay para lamang sa mga residente ng Daet na nabigyan ng isang buong dressed chicken ng LGU-Daet.

 

  1. Picturan lang ang iyong nilutong manok gamit ang iyong cellphone at ipost sa sarili mong FB page/wall.

 

  1. Dalawang larawan ang iyong ipopost. Una ay ang iyong entry at ang pangalawa ay ang iyong entry na kasama ka (contestant).

 

  1. Itag o imention si JP De Leon at Sherwin Q. Asis at ilagay ang mga hashtags na #mb2k at #ecquisine.

 

  1. Ilagay sa caption ang pangalan at address ng contestant, pangalan ng putahe o tawag sa iyong niluto (cuisine) at brief explanation kung paano ito lutuin.

 

  1. Ang posting ng entries ay magsisimula sa April 28, Martes hanggang May 2, Sabado.

 

  1. Ang announcement ng mga mananalo ay gagawin sa May 4, Lunes.

 

CRITERIA FOR JUDGING:

Uniqueness and Originality 25%

Image Clarity and Quality (Angle, Lighting, Color) 25%

Creativity and Style 20%

Humor 20%

Visual Appeal/Wow Factor 10%

TOTAL 100%

 

PRIZES

1st Place – P1,500 00

2nd Place – P1,000.00

3rd Place – P500.00

 

Camarines Norte News,