Sa pangunguna ng ating Gobernador na si Gov. Edgardo Tallado ay pasisimulan na muli ang pamamahagi ng mga ayuda sa ikalawang pagkakataon para sa mga mamamayan na nasa lalawigan ng Camarines Norte.

 

Kung maaalala, nag umpisang ipamahagi ang 1st wave na ayuda ng Provincial Government nitong huling bahagi ng Marso at nasa kabuuang 60,000 na mga foodpacks ang inihanda ng Provincial Capitol na idinaan sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang distribution bilang augmentation sa bawat bayan.

 

Ngunit ngayong darating na 2nd wave na ipamimigay na ayuda ay tinatayang nasa 200 libong households na ang makakatanggap at ito ay nakalaan pa rin sa mga kababayang higit na naapektuhan sa ilalim ng Community Quarantine.

 

Pangungunahan nina Governor Egay at Congresswoman Josie Tallado ang pamimigay ng nasabing ayuda. Makikipag-ugnayan ang Governor’s Office sa iba’t ibang Local Government Units (LGU’s) at Barangay. Sa bawat bayan na kanilang pupuntahan, iimbitahan nito ang mga barangay officials upang sila mismo naman ang magkaloob sa bawat households ng kanilang nasasakupan ng nasabing tulong.

 

“Sa panahon po ng krisis ay sinisikap nating maiparating ang tulong na ito para sa ating mga kababayan at kaming dalawa ni Congresswoman Josie ay nagtutulungan para sa kapakanan ng ating mga kababayan”, pahayag ni Governor Tallado.

 

Camarines Norte News,